Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Aberya sa kontruksiyon ng 69KV line, nagdulot ng mahigit sa tatlong oras na power interruption kahapon; power crisis sa Mindanao naka-amba 

Nagkaroon umano ng aberya sa isinasagawang 69KV line sa sub-transmission ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco Kabacan dahilan kung bakit nakaranas ng mahabang power interruption ang feeder 11 na linya ng Cotelco.

Nawala kasi ang supply ng kuryente bago mag alas 5 ng hapon kahapon at bumalik na ito pasado alas 8:00 na ng gabi.

Sinabi ngayong umaga ni Kabacan Cotelco Director Samuel Dapon na nahulog umano ang pole habang isinasagawa ang  pagsasaayos ng 69KV transmission line at nahulugan pa ang atip ng isa sa mga bahay na malapit sa erya.

Gayunpaman, agad namang kinumpuni ng mga technical team ang linya.
Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Cotelco OIC-Manager Godofredo Homez sa katatapos na MSEAC meeting kahapon ang dahilan ng pagkawala ng kuryente simula pa nitong mga nakaraang araw.

Aniya nagpapatupad sila ng load curtailment dahil sa nangyayaring generation deficiency o kakulangan sa supply ng kuryente mula sa PSALM at MPC dahil na rin sa problema ng mga planta.

Sinabi pa ni Homez na kapag nagka-problema sa planta tiyak anyang magbabawas sila ng load.

Bagama’t marami umano ang dismayado sa panaka nakang pagkawala ng kuryente lalo ang mga negosyante at mga estudyante na kailangan ang serbisyo ng kuryente, hindi naman umano ito masasagot ng kooperatiba dahil kagaya ng Cotelco ay bumibili lamang sila sa mga power distributor.

Kaya naman ngayong kapaskuhan umaapela ang pamunuan ng cotelco sa mga power distributor kagaya ng MPC, PSALM at NGCP na bigyan ng normal na load ang kooperatiba.

Kung magpapatuloy umano ang energy crisis sa bahaging ito ng Mindanao.
May alternatibong opsiyon umano ang kooperatiba, ito ay magbibili ng dagdag na power supply mula sa mga pribadong kumpanya na nag-mamay-ari ng mga malalaking barges.

Ibig sabihin, ayon kay Homez, nangangahulugan ito ng dagdag na bayad sa singil ng kuryente pero wala na umanong magaganap na power interruption.
Ito ay kung papaya umano ang mga konsumedures ng cotelco sa nasabing opsiyon. (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento