Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ugnayan ng PG Cot at Gangwon Provincial Government ng S. Korea pinalalakas pa

AMAS, Kidapawan City (November 2) – Matapos ang official visit ng Cotabato Province delegation sa Gangwon Province, South Korea at pagdalo ng mga ito sa 11th Gongwon Medical Equipment Show noong Sep 8-11, 2015, lalo pang pinag-iibayo ngayon dalawang lalawigan ang kanilang mabuting ugnayan.

Ito ay makaraang dumating sa Kidapawan City noong Oct 28-29, 2015 ang delegasyon mula sa Gangwon sa pangunguna ni Jin-Pyo Jeon, International Relations Division Director at tinalakay ang mga developmental projects na maaaring ipatupad sa lungsod at sa mga kalapit munisipyo.

Kabilang rito ang hospital care system at tele-medicine, potable water source, solar panel, high value crops at iba pang proyekto na pakikinabangan ng mga mamamayan ng Cotabato.

Kaugnay nito, nagsagawa ng on-site visitation si Director Jeon at mga kasama sa Brgy. New Israel, Makilala at Brgy. Balabag, Kidapawan City at pinag-aralan ang mga proyektong maaaring ipatupad sa nasabing mga lugar.

Matapos nito ay isang conference ang ginanap sa Annex Building, Capitol Compound pagitan ng mga delegado ng Gangwon Provincial Government at ng mga personnel mula sa Cot Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Engineer’s Office (PEO), Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Office of the Provincial Agriculturist (OPAG).  

Sa naturang pagkakataon ay ipinahayag ng mga delegado ng Gangwon Province ang kanilang obserbasyon at ilang mga katanungan tungkol sa kabuhayan ng mga residente sa dalawang napiling mga barangay.


Bumalik na sa South Korea ang grupo ni Jeon at nangakong tutungo muli sa Kidapawan City para sa susunod na hakbang kaugnay ng mga proyektong posibleng ipatupad sa nabanggit na mga barangay. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento