(Amas,
Kidapawan City/ November 6, 2015) ---Handang handa na ang Cotabato division sa
implementasyon ng senior high school ng Department of Education (DepEd) na
maguumpisa na sa school year 2016-2017.
Ito ang
sinabi ng Cotabato Schools Division Superintendent Dr. Omar Obas sa panayam sa
kanay ng DXVL News kahapon. Sa katunayan
anya ay nagpapatuloy ngayon ang pagpapatayo ng dalawa hanggang apat na
classrooms sa 62 public secondary schools na mag oofer ng senior high curriculum.
Bukod sa mga
pampublikong paaralan na may senior high school curriculum, dalawang state university and college rin ang mag oofer nito – ito ay
ang University of Southern Mindanao at Cotabato Foundation College of Science and Technology, 28 na
private secondary schools at isang local college - ang Makilala Institute of
Science and Technology.
Ang mga guro
namang magtuturo sa senior high school ay may mga qualifications na dapat akma
sa apat na tracks ng programa – ang Accountancy Business and Management, Arts
and Design, Sports at Tech Book. Sa ngayon, nagpapatuloy ang sunbmission of
intent ng mga gurong gustong magturo sa senior high bago pa man ang hiring ng
kagawaran.
Ang ng senior
high school ay isa sa mga component ng K to 12 program ng Department of
Education. Brex Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento