Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPA Fisheries Division Nagsagawa ng Fish Processing Training para sa mga RIC Members sa Carmen at Aleosan

(Amas, Kidapawan city/ November 4, 2015) ---Upang matulungang magkaroon ng pagkakakitaan ang limampu’t apat na Rural Improvement Club members na mula sa Tacupan, Carmen, Dungguan at Dualing, Aleosan, nagsagawa kamakailan (10/15-16, 20-21/15) ang OPA Fisheries Division ng isang skills training on fish processing particular sa paggawa ng daing na tilapia, lamayo at fish bagoong.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, regular na nagsasagawa ng ganitong aktibidad ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nagrerequest ng training upang magkaroon ng livelihood ang mga kalahok mula sa kanilang matutunan sa technology demonstration.

Ang maganda rito ay may kaakibat itong return demonstration ng mga kalahok na aktuwal na gagawa din ng sarili nilang daing na tilapia, lamayo at fish bagoong upang maseguro na natuto sila ng fish processing with value adding, dagdag pa ni Virginia Lomonggo, ang Provincial Fish Processing Coordinator kasama si Leonila Anit, ang Provincial RIC Coordinator na kabilang sa mga nanguna sa training.

Bahagi ng mga paksang tinalakay ang kahalagahan ng fish processing technology, bentahe ng food safety control, proper packaging, labeling at ang return on investment computation.


Suportado naman ito ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang ganitong aktibidad bilang bahagi ng Serbisyong Totoo program katunayan naglaan siya ng kaukulang pondo para rito. Ruel L. Villanueva

0 comments:

Mag-post ng isang Komento