Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 tulak droga, huli sa buy bust operation ng Matalam PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridada ang dalawa ka tao na pinaniniwalaang tulak droga sa inilatag na buy bust operation ng Matalam PNP sa bahagi ng Purok Islam, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni PSI Sunny Rubas Leoncito, pinuno ng Matalam PNP ang mga nahuli na sina Jakarya Balabagan ‘alias Kire’, 31-anyos, residente ng Purok 7, Brgy. Kilada, Matalam at isang Alex Mangindalat Amilel, 32-anyos, May asawa, residente ng Purok Islam, Poblacion, ng nabanggit na bayan.

Nahuli ang mga suspek sa pamamgitan ng drug buy bust operation kungsaan isa sa mga pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek.

Ginamit ang isang P1,000 pesos na mark money.

Narekober sa mga suspek ang 22 plastic heat sealed sachet ng shabu kasama na ang isang sachet na ibinenta sa pulis.

Bukod dito, nakuha din sa mga ito ang isang homemade improvised 20 gauge hand gun at isang live ammo.

Sa pagtaya ni PSI Leoncito nasa mahigit kumulang P22,000.00 ang worth value ng illegal drugs na nakumpiska nila sa dalawang mga tulak.


Sa ngayon, inihahanda na ng Matalam PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento