(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015)
---Suportado ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan ang planung paglalagay ng Crisis
Intervention Center for Women and Children ng Department of Social Welfare and
Development Office.
Ayon kay Municipal Social Welfare and
Development Officer Susan Macalipat na ‘dream come true para sa mga Kabakeños’
ang paglalagay ng nasabing center.
Ito ang magiging kanlungan ng mga kabataan
at mga kababaihan na may problema sa batas kagaya ng ‘Children in conflict with
the Law’ o CICL.
Ang nasabing Center ay itatayo sa Brgy.
Katidtuan na may 600sq meters.
Naglaan naman ng pondo ang LGU sa inisyatiba
ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ng abot sa P600,000 para sa counterpart ng
LGU habang P1.7M naman ang ibinuhos na pondo ng DSWD mula sa Bottoms Up Budgeting
o BUB, ayon kay Macalipat.
Sinabi ng opisyal na malaking tulong ang
nasabing proyekto sapagkat nahihirapan silang ikustodi ang ilang mga may
kahalintulad na problema na mga kabataan at kababaihan na hindi rin pwedeng maibaik
sa kanilang pamilya. Rhoderick Beñez
with report from Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento