Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 Katao na sinasabing responsable sa hazing sasampahan na ng kaso

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Tukoy na ng Kabacan PNP ang mga responsable sa pagkamatay ng isang 26-anyos na estudyante ng St. Luke’s Institute Kabacan dahil sa hazing.

Bagama’t may mga pangalan na hindi muna ibinunyag ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ito para hindi madeskaril ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Sinabi ng opisyal na ipinaubaya na sila sa Matalam PNP ang pagsasampa ng kaso kungsaan inindorso na ng Kabacan PNP ang imbestigasyon sa kanila dahil sa bayan ng Matalam naganap ang insidente.

Matatandaan na naiulat na namatay si Bobong Bualan noong October 17 ng hapon matapos sumailalim sa hazing ng initiation ng fraternity na Tau Gamma Phi sa isang bahay sa Matalam, North Cotabato.

Ayon sa report, nagtamo ng maraming pasa at sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan buhat sa pagpalo sa kanya ng mga kabaro mula sa Tau Gamma Phi na nakabase naman sa University of Southern Mindanao Chapter.

Una ng sinabi ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na hindi pinapayagan ng USM ang hazing dahil may umiiral na batas.

Sa panig naman ni OSA Director Dr. Nicolas Turnos walang permit ang ginawang initiation ng Tau Gamma Phi at maging ang kanialng adviser ay hindi alam ang nasabing initiation.

Umaasa naman ang pamilya ni Bualan na mapapanagot ang responsable sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento