Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng Bulaklak sa bayan ng Kabacan, bahagyang tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Ilang araw bago ang undas, tumaas ng bahagya ang presyo ng mga bulaklak dito sa bayan ng Kabacan.

Nasa 50 pesos ang pagtaas ng bawat bundle ng mga bulaklak tulad ng Malaysian Mums na nagkakahalaga ng 250 per bundle o maaring mabili sa halagang 25 per stick,  Aster Cat sa halagang 300 pesos per bundle o maari ring mabili sa halagang 30 pesos per stick at Crysanthemom – 350 pesos per bundle o 30 pesos per stick.

Ang mga rosas ay mabibili sa halagang 20 pesos bawat isa ang big size at 15 pesos ang small. 

Ang anthorium ay nagkakahala naman ng 100 pesos per dozen ang malalaki at 80 pesos ang maliliit. Ang babys breath ay tig 15 pesos sa bawat dalawang stick.

Sa mga dederitso naman sa sementeryo at gusto nang bumili ng arranged flowers, mabibili ito sa halagang 100 pesos pataas, depende sa klase, dami ng bulaklak at laki.

Ang mga stand flowers ay mabibili sa halagang 500 pesos pataas at ang bouquet naman ay tag 100 pesos pataas.

Samantala ang kandila ay mabibili sa halagang 5 pesos pataas depende sa laki. Ang small glass candles (kandilang nasa baso )ay tig 50 habang big glass candles ay tig 80  pesos. Brex Nicolas


0 comments:

Mag-post ng isang Komento