(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015)
---Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection o BFP Kabacan ang publiko sa mga
sisindihang kandila ngayong darating na Undas.
Ayon kay FSI Ibrahim Guiamalon, ng BFP
Kabacan karamihan kasi ang nagiging pabaya sa pagsisindi ng kandila na
kadalasang nagiging sanhi ng sunog.
Bagama’t karamihan naman sa mga nitso ay
sementado paalala pa rin ni Guiamalon na wag magkumpiyansa.
Ilan na aniya rito ay ang mga nagsisindi ng
kandila sa mga bahay kung saan, kadalasang inilalagay malapit sa mga bagay na
madaling masunog tulad ng kurtina o mantel ng la mesa.
Gayundin, nagpaalala rin ang BFP sa mga aalis
ng bahay na tiyaking walang naiwang nakasaksak na appliances upang maiwasan ang
electrical short circuit na siyang pinag-uugatan ng sunog.
Bukod dito, sinabi ni Guiamalon na sa mga
simpleng bagay na nakakaligtaan madalas nagmumula ang kapahamakan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento