(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015)
---Inihayag ng pamunuan ng Municipal Agriculturist Office sa bayan ng Kabacan
na walang sakahan ang naiulat na naapektuhan ng pag-atake ng pesteng black bug.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan
Municipal Agriculturist Sassong Pakkal.
Aniya, nakasanayan na ang paglabas ng
nasabing insekto tatlong araw bago at pagkatapos ng kabilugan ng buwan.
Pero may mga ginagawa ng hakbang ang mga
magsasaka sakali mang manalasa ang nasabing peste sa mga palayan at iba pang
pananim.
Ayon kay Pakkal, kabilang sa mga ginagawang
paghahanda ng mga magsasaka ay ang pinapatubigan nila ang kanilang sakahan
upang madaling malunod ang mga black bug at hindi maka-kapit sa puno ng palay.
Samantala, nagbigay naman ng ayuda ang
Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Lala Talino Mendoza ng tulong sa
mga magsasakang sinalanta ng nagdaang baha.
Nasa 108 na palay seeds na may iba’t-ibang
variety ang ipinamahagi sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan.
Kabilang sa mga nabigyan ng palay seeds ay
ang Bangilan, Kilagasan, Cuyapon, Nangaan, Malanduage, Aringay at Dagupan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento