Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bus Inspector, patay sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Patay ang isang bus inspector ng Rural Transit makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Kabacan Terminal Complex, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 5:48 ngayong hapon lamang.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Reyno Capacilio Laguardia, 47-anyos, may asawa, task force Rural Transit Surprising Inspector at residente ng Quirino St., ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, nakatayo ang biktima habang naghihintay ng Rural Transit Bus na buhat sa Cagayan de Oro city sa nasabing lugar ng lapitan ng isang di pa nakilalang suspek na nakasuot ng kulay itim na short pants, itim na sando at nagkaroon pa ng maikling pag-uusap ang dalawa.

Pero pagdating ng bus habang pasakay pa lamang si Laguardia ay sinundan ito ng suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol batay sa mga bala na narekober sa crime scene.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Naisugod pa ang biktima sa bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay.

Agad na hinabol ng pulisya ang suspek na sakay ng kulay pulang XRM pero bigo itong mahuli ng mga kapulisan.

Inaalam na ngayon ng mga pulisya kung may kinalaman sa trabaho o anumang anggulo ang motibo sa pagpaslang sa nasabing bus inspector. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento