AMAS,
Kidapawan City (Oct 24) – Muli na
namang pinatunayan ng Provincial Cooperative Development Office o PCDO Cotabato
ang kakayahan nito sa pagpapalakas ng mga kooperatiba at pagpapaunlad ng buhay
ng mga miyembro nito sa lalawigan.
Ito ay makaraang
hirangin ang Cot PCDO bilang 3rd Place sa katatapos lamang na Gawad
Parangal 2015 Search for Best Provincial Cooperative Office na ginanap sa
Philippine Trade and Training Center, Pasay City noong Oct. 23, 2015.
Mismong si Provincial
PCDO Head Dr. Samuel Aquino ang tumanggap ng Plaque of Recognition sa awarding
ceremony na pinangunahan ni Cooperative Development Authority (CDA) Chairman of
the Board of Administrators Orlando Ravanera kasama ang iba pang opisyal ng
CDA.
Maliban rito ay
tinanggap rin ni Dr. Aquino ang isa pang plake matapos na manalo ang Cot PCDO
bilang Best PCDO in Mindanao noong Agosto, 2015.
Nagwagi ng ikatlong
puwesto ang Cot PCDO matapos na makitaan ito ng husay sa pagpapatupad ng mga
programang pang-kooperatiba at paghikayat sa mga miyembro na palakasin pa ang
kanilang mga hanay bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng lalawigan ng Cotabato.
Tanging ang Cot PCDO
lamang ang kooperatiba mula sa Mindanao na nakapasok sa Top 5 ng naturang
search.
Ayon kay Dr. Aquino,
hindi nila makakamit ang tagumpay at hindi mapapansin ang kanilang pagsisikap
kundi dahil sa suporta ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza lalo na sa mga
programang ipinatutupad ng Cot PCDO.
Sinabi rin ni Dr.
Aquino na dahil sa tiwala ng Provincial Government of Cot sa kanilang hanay ay
naisasakatuparan nila ang mga layunin ng Cot PCDO kabilang na ang pagbibigay ng
mga technical training, loan at iba pang ayuda para sa mga kooperatiba.
Samantala, nakuha
naman ng Batangas ang 1st Place for Best Provincial Cooperative
Development Office at 2nd Place ang Isabela Province.
Ayon naman kay Gov
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, malaking karangalan ang ibinigay ng Cot PCDO
para sa Lalawigan ng Cotabato at patunay lamang ito na kumikilos at ginagawa ng
tanggapan ang lahat ng makakaya upang mapaunlad ang buhay ng nga miyembro ng
mga kooperatiba. (JIMMY STA. CRUZ-PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento