(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 27,
2015) ---Dalawampu’t anim ang pumasa buhat sa 35 na kumuha ng 2015 Certified
Public Accountant Licensure Examination mula sa mga graduate ng University of
Southern Mindanao.
Ito ayon kay USM Accountancy Department
Chair Dr. Lope Dapun.
Aniya ang resulta ay inilabas noong Oktubre
a-16.
Ang USM Passing rate naman ay 74.29%.
Ayon kay Dr. Dapun na 32 ang mga first
takers kungsaan 25 dito ang pumasa, ibig sabihin nito nasa 78.13% ang passing
rate ng USM sa mga first takers nito.
Ang malaking bilang ng mga nakapasa sa CPA
ay malaking karangalan hindi lamang sa College of Business Development and Managemento
CBDEM kundi maging sa buong institusyon ng University of Southern Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento