Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga humahabol sa huling linggo ng registration sa Comelec Kabacan, patuloy na dumadagsa

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Patuloy ang pagdagsa kahapon ng mga botante sa Comelec Kabacan, ilang araw bago ang nakatakdang deadline ng registration at validation.

Karamihan sa mga pumupunta ay mga bagong botante habang ang iba naman ay yung wala pang biometrics.

Dahil dito, nagdagdag ng ilang mga personnel ang comelec Kabacan.

Sa labas ng tanggapan ay may inilagay na malaking tolda para doon maghintay at mag-fill-up ang mga bagong botante.

May mga priority number namang ibinibigay ang Comelec Office para isa-isang maserbisyuhan ang mga nagpaparehistro at nagpapa-validate.

Una ng sinabi ni Kabacan Election Officer Ramon Mario Jaranilla na hanggang alas 8:00 ng gabi na lamang sa October 31 ang cut-off nila sa pagtanggap ng registration at validation.

Ipinaalala din ng opisyal na ‘No Bio, No Boto’. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento