AMAS, Kidapawan City (Oct 27) – Abot sa 500
katao ang nakiisa sa Newborn Screening culmination activity na ginanap sa JC
Leisure Center, Kidapawan City kahapon, Oct. 26, 2015.
Pinangunahan ito ng Dept of Health o DOH12
at ng Cotabato Integrated Provincial Health Office o Cot IPHO kasama ang mga
delegado mula sa iba’t-ibang private hospitals, Rural Health Units at iba pang
mga health advocates.
Layon na bigyan ng updates ang mga
partisipante patungkol sa estado ng newborn screening o NSB sa Lalawigan ng
Cotabato at lalo pang palakasin ang kampanya para dito.
Ayon kay Dr. Conchita Abarquez, Head ng
Newborn Screening Council – Mindanao Unit, maganda ang naging performance ng
Cotabato Province sa NSB kung saan pasado ito sa rate na itinakda ng DOH.
Nagbigay din ng power point presentation si
Abarquez upang maipaliwanag ng mabuti ang kahalagahan ng newborn screening sa
mga bagong silang na sanggol at sa mga magulang.
Ayon kay Cot IPHO Head Dr. Eva Rabaya,
patuloy ang pagsisikap ng IPHO na maisakatuparan ang 100% rate na newborn
screening upang tiyaking ligtas ang mga bata sa sakit o mga defects.
Alinsunod daw ito sa adbokasiya ng
“Serbisyong Totoo” kung saan prayoridad ang kapakanan at kaligtasan ng mga
sanggol at mga magulang.
Ipinaabot naman ni Gov Lala Taliño-Mendoza
ang kanyang mainit na suporta sa aktibidad sa pamamagitan ni Dr. Rabaya at ng
iba pang personnel ng IPHO.
Highlight ng culmination program ang
ceremonial newborn screening kung saan abot sa 10 mga bagong silang na sanggol
ang kinunan ng blood samples at isasailalim ito sa kaukulang examinations.
Tema ngayon ng Newborn Screening Month na
ipinagdiriwang bawat Oktubre kada taon ay “Buntis, ipa-Newborn Screening mo si
baby”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento