Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50-anyos na drayber, sugatan sa aksidente sa National Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015) ---Sugatan ang isang 50-anyos na drayber makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway partikular sa harap ng Crossing Vergara sa brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato alas 8:30 ngayong umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division ang biktima na si Francisco Corpuz, residente ng Purok 6, Brgy. Osias ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, tinatahak ng isang kulay itim at berde na Highlander na sasakyan na may license plate WE 2795 minamaneho ni Sandra Monib, 41-anyos na residente ng Cadayonan II, MSU, Marawi City ang nasabing National Highway buhat sa Davao-Cotabato road.

Kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang kaparehong direksiyon ng biglang lumiko ang motorsiklo na dahilan kung bakit nabangga ng nasabing Highlander.

Sugat sa ulo ang natamo ng biktimang si Corpuz na mabilis na isinugod sa isang bahay pagamutan.

Karga ng biktima ang mga damong pakain para sa kanyang alagang hayop.
Kapwa nasa kustodiya ngayon ng Kabacan PNP ang dalawang sasakyan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento