Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Anti-Red Tape Act o ARTA, ipinaliwanag sa ilang mga LGU sa North Cotabato

(North Cotabato/ October 26, 2015) ---Muling ipinaintindi sa ilang mga Local government Units o LGU at iba pang ahensiya ng gobyerno sa North Cotabato ang kahalagahan ng Anti-Red Tape Act o ARTA.

Ito matapos na lumabas sa ulat na marami sa mga local government unit o LGU ang hindi nagpapatupad ng naturang batas.

Ayon kay Rey Monteclaro ng ACF International, hindi lamang mga nasa gobyerno ang dapat makaalam nito bagkus maging ang publiko ay dapat makaalam ng kahalagahan ng ARTA at ang papel ng civil society organization o CSO para magsilbing ‘watchdog’ kung nangyayari ba ang transparency sa isang LGU o maging sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno kasama na dito ang mga state run University kagaya ng USM.

Sa North Cotabato, limang mga bayan ang benepisyaryo ng proyektong, Empowered Participatory Governance for Progress, na ipinatutupad ng ACF International at ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ang mga ito ay ang mga bayan ng Arakan, Antipas, Matalam, Magpet, at President Roxas.
Samantala sumailalim sa Monitoring and Evaluation ng ARTA ang ilang mga CSO representatives mula sa naturang mga bayan.

Ayon kay Lucia Alipunga ng DILG-North Cotabato, bagama’t pumasa sa ARTA ang mga bayan sa lalawigan, may ilang probisyon pa rin nito ang hindi pa naipapatupad ng ilang mga LGU.

Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng ramp o elevator para sa mga persons-with-disabilities, pregnant women, at mga elderly ang mga city at municipal hall sa lalawigan. Isa na rito ang Kidapawan City hall.

Matatandaan na noon pang 2007 naipasa ang Anti-Red Tape Act o ARTA.


Layon nito na mabuwag ang tinatawag na, ‘bureaucratic red tape’ sa gubyerno. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento