(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015)
---Iba’t-ibang mga Rural Infrastructure Projects ang ihahabol ng Engineering
Office ng LGU Kabacan bago matapos ang taong ito.
Ayon kay Municipal Engineer Noel Agor, 5 mga
concreting projects ang natapos na sa taong ito.
Kabilang sa mga natapos ng proyekto ay ang
Concreting ng Kalye Putol at Jose Abad Santos St., sa Brgy Poblacion, Kabacan
(P1.7M); Concreting ng Bonifacio-Malvar St., Brgy. Poblacion (P.8M),
Construction ng Solar Drier, Brgy. Kayaga (P.2M); construction ng 1 unit ng
Basketball Court sa KNHS-Osias Annex (P.2M) at pag ayos ng PNP Office/Quarter
(P.2M).
Samantala kabilang sa mga nagpapatuloy na
proyekto ay ang pagsasaayos ng bubong ng entablado at Social Hall ng Malabuaya
Elementary School, pagsasaayos ng Pedtad at Nangaan Health Station.
Nangako naman ang Engineering Office na
kanilang ihahabol na ayusin ang lubak lubak na daanan sa Villanueva Subdivision,
pero ang may budget for concreting ay ang 2nd at 3rd
block pa lamang.
Hindi nila maayos ang 1st block
sapagkat wala pa umano itong deed of donations.
Ang nasabing proyekto ay sailalaim ng
pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa pagpapalakas ng proyektong
pang-imprastraktura sa bayan ng Kabacan sa naka-sentro sa kanyang adbokasiyang
‘Unlad Kabacan’. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento