Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Katao, magkahiwalay na naaresto dahil sa illegal na droga sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ October 26, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao sa magkahiwalay na operasyon ng Magpet PNP sa dalawang lugar sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP unang sinalakay nila ang isang bahay sa Purok 6, brgy. Gubatan, Magpet, North Cotabato pasado alas dyes ng umaga nitong Biyernes.

Kungsaan nahuli ang suspek na si Merlyn Labawan Postrado allias Elly, may asawa at tatlong anak.

Hinalughog ng Magpet PNP ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant no. 82 na pirmado naman Presiding Judge Arvin Sadiri Balagot kung saan nakuha mula rito ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shau.

Ayon kay Fornan matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa barangay kung saan mga menor de adad pa ang ginagawang runner nito.

Maliban dito, nahuli din nila ang isang Jerry Puchades Yano, 43-anyos, may asawa at residente ng Purok 1B, Brgy. Pangao-an ng nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang dalawang takip ng tanduan na naglalaman ng 9pcs ng suspected shabu.

Ang paghalughog sa bahay ng suspek ay sa bisa ng warrant of arrest no. 81 ni inisyu sa sala ni Hon. Judge Arvin Sadiri Balagot ang executive Judge ng 12th Judicial Region, Kidapawan city.

Nakakulong na ngayon sa Magpet PNP lock up cell ang dalawang mga suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento