(Carmen, North Cotabato/ October 27, 2015)
---Patuloy na tinututukan ngayon ng Philippine Coconut Authority o PCA sa
Rehiyon 12 ang pagpapalago sa industriya ng Niyog.
Ito ayon kay PCA Regional Manager Tommy
Jalos kasabay ng isinagawang 7th Regional Management Committee
meeting ng Department of Agriculture 12 sa Philippine Coconut Authority o PCA,
Aroman, Carmen, North Cotabato kahapon.
Sinabi ni Jalos na ipinagpapatuloy nila ang
planting at replanting program maliban pa sa fertilization program na
pagbibigay ng libreng abono sa mga magsasaka ng Niyog.
Tinututukan din nila ang pagpapatupad ng RA
8048 na mas kilala sa tawag na ‘coconut preservation act’ na bawal ang pamumutol
ng niyog na walang pahintulot mula sa PCA.
Maging ito ay pribado o maging ang government
project na madadaanan halimbawa ng road widening ay kailangang kumuha ang contractor
o ang DPWH ng permit mula sa PCA bago patulin ang puno ng niyog.
Ipinakilala din ni Jalos ang bagong programa
nila sa PCA na Agro-hub.
Ito ay ang tinatawag na value-adding na
hindi lang nakatutok sa copra para sa mantika kundi maging sa bunot na pwedeng
kumita, sa tubig ng niyog ay pwedeng kumita at maging sa bao ng niyog ay pwedeng
mapagkitaan na. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento