AMAS,
Kidapawan City (Oct
26) – Ikinatuwa ng Dept of Trade and Industry Provincial Office ang aktibong
pagsusulong ng Provincial Government of Cotabato ng karapatan at proteksyon ng
mga konsumedores sa lalawigan.
Ayon kay Cot DTI Provincial Director Engr.
Anthony Bravo, malaki ang papel ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni
Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga hakbang ng departamento upang
itaguyod ang consumer empowerment.
Partikular na tinukoy ni Engr Bravo ang obserbasyon
ng National Consumer Welfare Month ngayong Oktubre kung saan suportado ng
Provincial Government of Cot ang DTI sa monitoring ng mga business
establishment sa mga posibleng paglabag ng mga ito sa mga batas na nagtataguyod
ng consumer rights and protection.
Nanawagan si Engr Bravo sa mga consumers na
maging alerto at mapagbantay sa mga binibili at kung sakaling may reklamo laban
sa establishments ay wag mag-atubiling ireport sa DTI.
Sinabi ng opisyal na patuloy ang DTI
Provincial Office sa monitoring at inspection sa mga tindahan maging malalaki o
maliliit upang matiyak na hindi umaabuso ang mga ito laban sa mga costumers.
Binigyang-diin din ni Engr. Bravo na
kailangang makipag-ugnayan sa kanila ang mga nagrereklamong customers upang
meron silang basehan sa pag-file ng anumang complaint laban sa mga abusadong
negosyante.
Layon daw kasi ng DTI na matutunan at
pahalagahan ng mga konsumedores ang kanilang mga karapatan bilang mamimili.
Tema ng National Consumer Welfare Month
ngayong taon ay “Consumer Protection in the ASEAN Economic Community”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento