Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Planung dagdagan ang honorarium ng BHW sa Kabacan, isinusulong sa SB

Kabacan BHWs
(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Isinusulong ngayon sa Sangguniang bayan ng Kabacan na dagdagan ang kakarampot na honorarium ng mga Barangay Health Workers o BHW sa bayan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni BHW Federation President Felicitas Dulay kasabay ng isinagawang Barangay Health Workers Day Celebration sa Kabacan Municipal Gym kahapon.

Aniya suportado ni Councilor Ayesha Quilban Flores, committee on health ang panukala ng local health board na magbibigay ng subsidiya ang LGU sa honorarium ng mga BHW.


Nabatid mula kay Dulay na kakarampot lamang ang honorarium ng BHW sa Kabacan.
Ibinunyag pa ng opisyal  na may mga barangay na nasa P250 lang ang kanilang honorarium kada buwan at ang pinakamataas na ay P1,100.00

Theopila Ordoña ng Brgy. Aringay
Dumalo din sa nasabing aktibidad si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. kungsaan suportado nito ang panukala ng Sangguniang Bayan na taasan ang honorarium ng mga BHW sa Kabacan.

Sa kanyang mensahe iginiit naman ni Moro People’s Core Director Zaynab Ampatuan na dapat maproteksyunan ang kapakanan ng mga BHW.

Ginawa ni Ampatuan ang pahayag matapos ang mga balitang pagtanggal sa ilang mga BHW na walang dahilan.

Samantala, isang taga Barangay Aringay ang kinilalang pinakamtandang BHW na si Theopila Ordoña na sa kanyang edad na 84 ay patuloy pa rin ang kanyang pagserbisyu sa Aringay bilang BHW.

Noon pang 1982 ito simulang pumasok sa BHW hanggang ngayon.


Tema ng aktibidad ay ang ‘Pagtitipon at Pagkakaisa Para sa Iisang Layunin Malusog na Cotabato’. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento