Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

115 na sasakyan huli sa isinagawang lambat bitag sa bayan ng Pikit; 2 suspected carnapper, nahuli

(Pikit, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Abot naman sa mahigit 115 mga motorsiklo at mga tricycle ang nahuli ng mga pulisya sa ikinasang ‘Lambat Bitag’ ng pinagsanib na pwersa ng pulisya katuwang ang CPPO sa National Highway ng Poblacion, Pikit, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam kay PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP nahuli ang nasabing sasakyan dahil sa mga paglabag sa alituntunin ng traffic division ng PNP kagaya ng kawalan ng lisensiya, driver’s license, walang OR/CR, walang helmet at iba pa.

Agad namang dinala sa LGU Pikit ang nahuling mga sasakyan.

Makukuha lamang ito kapag makabayad na ng kani-kanilang violations ang mga operator/drayber nito.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng kampanya ng CPPO sa anti-carnapping.

Samantala sa kaugnay na balita, dalawang mga suspected carnapper ang nahuli ng mga pulisya sa nasabing operasyon na inilatag sa National Highway sa bayan ng Pikit, kahapon.

Kinilala ang mga natimbog na sina Muhajid Masul Omar, 22-anyos, may asawa kungsaan narekober mula sa kanya ang isang 125 motorcycle at isang Anot Omar Olap, 25-anyos kapwa residente ng brgy. Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao.

Ayon kay PI Sindato Karim, ang nasabing mga sasakyan ay tinangay ng mga suspek buhat sa Davao City.


Sa ngayon inihahanda na ng Pikit PNP ang kasong isasampa laban sa kanila. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento