Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay kungsaan isinagawa ang initiation sa college student na namatay sa hazing, tukoy na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Natukoy na ng Kabacan PNP ang bahay sa bayan ng Matalam kungsaan isinagawa ang initiation sa 26-anyos na college student na namatay sa hazing.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP pero tumanggi munang ihayag ng opisyal ang lokasiyon nito habang nagpapatuloy pa ang ginagawa nilang imbestigasyon.

May mga ilang miyembro na rin ng Tau Gamma Phi ang isinailalim sa interogasyon ng pulisya pero hindi umano magkaka-tugma ang mga pahayag ng mga ito.

Sinabi ni Cordero na posibleng may itinatago ang mga ito.


Maliban dito, ilan sa mga nanguna sa pag-paddle sa biktimang si Bobong Bualan ay mga alumni ng Tau Gamma Phi, ito ang kinumpirma ng isa sa mga kasapi ng pangkat ng Treskelion sa pag-imbestiga ng mga pulisya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento