(Matalam, North Cotabato/ October 22, 2015)
---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang nasa sampung mga pinaniniwalaang tulak
ng ilegal na droga matapos sa inilatag na raid ng mga elemento ng Cotabato
Police Provincial Office o CPPO at ng Criminal Investigation and Detection
Group (CIDG) Central Mindanao sa Purok Krislam, bayan ng Matalam, North
Cotabato, alas-onse ng umaga, kahapon.
Kinilala ng PNP ang mga inaresto na sina
Yusoph Sagidpa, 37, ng Barangay Kilada, Matalam; Rodin Kamsa, 21, ng Barangay
Kayaga, Kabacan; Tidz Zalpin, 25, ng Central Ilian, Matalam; Datoto Salipada,
44, Barangay Kilada, Matalam; Bonifacio Bayug, 42, ng Poblacion, M’lang; Hofer
Pasagui, 29, Barangay Ladtingan, Pikit; Karex Malik Ontong, 49, ng Barangay
Kilada, Matalam; Henry Pendatun, 31, ng Barangay Gaunan, M’lang; isang alias
‘Parson’; at isang menor-de-edad na taga-Barangay Patadon, Kidapawan City.
Nakuha mula sa mga suspect sa body search na
ginawa ang walong mga sachet ng shabu, drug paraphernalia, isang Magnum caliber
.22 Black Widow, at apat na mga bala.
Naka-recover din ang mga pulis sa drug den
na pag-aari ng isang alias ‘Idol’ ang 28 na mga sachet ng shabu na may bigat na
15 gramo at street value na P135 thousand.
Nabigo ang mga pulis na makuha si Idol dahil
bago pa raw nakapasok sa erya ang mga pulis may mga nakapag-warning shot na
tila signal na papasok na ang mga awtoridad.
Samantala sa kaugnay na balita, Ang warning
shot ay nagmula sa ilang nakatira sa Purok Krislam, Poblacion ng Matalam, at
hindi mula sa PNP.
Bagama’t di nakuha si Idol, nangako ang
provincial director ng CPPO na si Senior Superintendent Alex Tagum na kukunin
nila ito at ang kanyang mga galamay dahil, aniya, magpapatuloy ang dragnet
operations, search, at raids sa mga pinaniniwalaang drug dens at mga shabu
tiangge sa lalawigan ng North Cotabato.
Kaugnay nito, abot naman sa 39 na piraso ng
mga small heat sealed sachets ang narekober ng pulisya sa ni-raid na mga
kabahayan sa Purok Krislam sa bayan ng Matalam.
Batay sa spot report na inilabas ng Matalam
PNP sa pamumuno ni PCI Elias Diosma Colonia ang nasabing mga shabu ay
tumitimbang ng abot sa 30 gramo at may street value na P270,000.00. Bukod dito,
apat na mga bala din ang narekober mula sa caliber .22 at isang bala ng caliber
.40.
Mismong si PSSupt. Alexander Tagum ang
Provincial Director ng CPPO ang nanguna sa raid sa apat na mga bahay na
pinaniniwalaang drug dens sa Purok Krislam.
Kasama niya sa raid si Superintendent Jimmy
Daza, ang regional director ng CIDG-Central Mindanao.
Ayon kay Tagum, nagtagumpay sila na masuyod
ang buong Purok Krislam sa tulong na rin ng kanilang drone o unmanned aerial
vehicle.
Ito na ang ikatlong pinakamalaking raid na
isinagawa ng PNP at CIDG sa buong lalawigan, simula buwan ng Setyembre.
Ang una ay sa Kidapawan City, at pangalawa,
sa bayan ng Kabacan – na kapwa nagresulta sa pagkakahuli ng 12 suspected drug
peddlers at pagkaka-recover ng shabu na nagkakahalaga ng halos isang milyong
piso. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento