Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-Kapitan sa Kabacan, Binawian na ng buhay matapos pagbabarilin

(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Tuluyan ng binawian ng buhay si dating Pisan Kapitan Remegio Alejo matapos na atakehin sa puso habang ginagamot sa Madonna Ospital sa Kidapawan City makaraang isugod ito matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay habang naghahapunan sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato alas 6:48 kagabi.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Mayor Herlo Guzman Jr., sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Sa impormasiyong nakarating kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP na habang kumakain ng kanilang hapunan ang pamilya Alejo ay bigla pumasok ang isang suspek nan aka-suot ng kulay itim na T-shirt may taas na 5’3 at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistol.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kaliwang balikat nito dahilan kung bakit naisugod ito sa ospital.

Mabilis namang tumakas ang suspek papuntang Palm Oil Plantation.

Ayon sa report, matagumpay pang na-operahan ang si dating kapitan Alejo, pero mga bandang alas 4:20 kaninang umaga ay tuluyan na itong binawian ng buhay matapos na atakehin sa puso.

Malaki naman ang paniniwala ng PNP na may kaugnayan ang nangyaring pamamaril sa nangyari ring insidente ng pamamaril noong Abril sa tatlong miembro ng isang pamilya sa bayan ng Kabacan kung saan son in law ni Alejo ang isa mga biktima nito.

Kahapon, matapos umano ang hearing sa nabanggit na kaso ay nangyari ang krimen.

Problema naman sa lupa ang duda ng PNP sa motibo sa insidente na ngayon ay patuloy nilang iniimbestigahan.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulisya upang alamin kung anu ang motibo sa nasabing krimen at mapanagot ang suspek hinggil dito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento