(Carmen, North Cotabato/ October 19, 2015)
---Napigilan ang planu sanang pasabugin na naman ang tower ng National Grid
Corporation of the Philippines o NGCP sa Sitio Balas, Brgy. Tacupan, Carmen,
North Cotabato alas 8:00 ng umaga kahapon.
Sa impormasiyong nakarating kay PCI Bernard
Tayong, ang tagapagsalita ng CPPO na isang magsasaka umano ang nakakita bandang
alas 7:45 ng umaga kahapon na may naka-kabit na Improvised Explosive Device o
IED sa tower post number 110 ng NGCP partikular sa may rubber plantation.
Agad na inireport ng nasabing magsasaka sa
pulisya kaya mabilis tinungo ng mga pulisya, sundalo at EOD team ang lugar.
Kanilang narekober ang UXO o unexploded
device na nakakabit sa nasbaing tower.
Dakong alas 10:30 kahapon ng umaga ay
tuluyan nilang nakuha ang ikinabit na pampasabog sa tower ng NGCP.
Ayon sa EOD kanilang narekober ang tatlong
piraso ng UXO o mga di pumutok na pampasabog na gawa sa bala ng 60mm kungsaan
cell phone ang triggering device nito.
Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad
kung anung grupo ang nasa likod ng nasabing pagpapasabog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento