(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015)
---Iginiit ng pamunuan ng Municipal Social Development Office ng Kabacan na
bawal ang mga kabataan na pumasok sa mga internet café ‘during school days at
class hour’.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni MSWD Officer
Susan Macalipat batay naman sa local code at resolusyong nagawa 2009-127 at
ordinance 2009-005 kungsaan nakalagay dito ang proteksiyon para sa mga
kabataan.
Ginawa ni Macalipat ang pahayag matapos ang
reklamo ng isang Ginang na may kinalaman sa pagpapa-pasok umano ng isang
internet café sa kanyang anak na oras ng klase at linggo ng pagsusulit sa isang
pribadong paaralan sa Kabacan.
Reklamo ng di nagpakilalang magulang na
bakit hinayaan umano ng may-ari ng internet café na papasukin ang bata upang
maglaro sa computer na oras pa ng klase.
Gayung maliwanag naman sa batas na bawal ang
mga ito papasukin.
Ang sinumang mga establisiemento na
napatunayang lumalabag sa nasabing batas ay posibleng masuspendi o makansela
ang kanilang business permit.
Kaya panawagan ni MSWDO Macalipat sa publiko
na magtulungan ang mga magulang, establisiemento, eskwelahan sa mga
ipinapatupad na batas ng Pamahalaang lokal para mailayo ang mga kabataan sa mga
masasamang bisyo tulad ng pag-kaka-adik sa computer games, sugal, alak, droga
at iba pa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento