(USM,
Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Pormal na inanunsyo kahapon ni
USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig U. Ampang na magtatapos na
ngayong araw ang 1st semester ng school year 2015-2016 sa University
of Southern Mindanao.
Ayon sa
opisyal, magsisimula naman ang enrollment sa pamantasan sa lahat ng antas sa
Oktobre a-26 hanggang Nobyembre a-5.
Magbubukas naman ang klase sa November 9, 2015.
Samantala, nakiusap naman si Dr. Ampang sa mga studyante
ng USM na umiwas sa mga aktibidad na makakasira sa ngalan ng pamantasan.
Ito ang
kanyang naging panawagan kaugnay ng
nangyaring hazing na ikinasawi ng isang studyante ng St. Luke's Institute na
kinilalang si Bobong Bualan na ayon sa report kasangkot ang Tau Gamma Phi
Fraternity na nakabase sa USM.
Iimbestigahan
naman umano ng pamantasan ang insidente bago maglabas ng desisiyon kung mapatunayang
kasangkot nga ang ilang USM students sa karumal dumal na hazing. Brex Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento