(Magpet, North Cotabato/ October 20, 2015)
---Patay ang dating miyembro ng New People’s Army o NPA habang sugatan naman
ang isa pa matapos silang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong
kalalakihan sa Sitio Sentro, Brgy Imamaling, Magpet, North Cotabato pasado ala
una ng hapon kahapon.
Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe
ng Magpet PNP ang biktima na si Marco Engay Vea, 37-anyos, magsasaka na taga
brgy. Imamaling, Magpet habang ang sugatan naman ang truck driver na kinilala
lamang sa pangalang Rodney.
Ayon kay Fornan, nagbabayehe ang mga biktima
karga ang mga kahoy patungong Kidapawan City ng bigla na lamang sumulpot ang
tatlong mga suspek at agad pinaulanan ng bala si Vea dahilan para madamay ang
nabanggit na driver.
Tadtad ng tama ng bala ang katawan ni Vea
gamit ang matataas na uri ng baril na siya namang target ng krimen dahilan ng
kanyang agarang kamatayan.
Agad namang tumakas ang mga suspek matapos
ang krimen habang isinugod rin sa pagamutan ang sugatang biktima.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento