Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Poverty Incidence sa bayan ng Kabacan, bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Bumaba sa bilang na higit isang libu ang poverty incidence sa bayan ng Kabacan.

Ito ang lumabas na ulat mula sa Litahanan ng Department of Social Welfare and Development Office National Household Targeting Unit sa inilabas nilang second Nationwide Household Assessment.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Listahanan Area Supervisor Amenoden Baniaga sinabi nitong nasa 4,349 na pamilya ang naitalang mga mahihirap sa bayan ng Kabacan mula sa dating 5,950 na bilang ng mga pamilya.

Aniya malaki ang ibinaba ng bilang ng mga mahihirap sa bayan ng Kabacan dahil sa mga ibinubuhos na mga livelihood programs at mga proyektong mag-papa-angat sa kabuhayan ng mga barangay sa bayan ng Kabacan sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Herlo Guzman Jr.

Ang resulta ay nakuha nila batay sa 21 mga Rural Barangay sa bayan ng Kabacan kungsaan ginamitan nila ng Family Assessment Form.

Sa report na nakarating kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat abot sa 14,565 households ang sumailalim sa nasabing assessment nila.

Sa nasabing bilang nasa apat na libu mahigit nalang ang mga naghihirap na pamilya.

Pero ayon sa opisyal malaking hamon pa rin sa kanilang tanggapan kung papaanu mapababa.


Patuloy naman ang mga ipinapatupad na programa ng barangay katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento