Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 2K botante na hindi nakapag-biometrics tanggal na sa listahan ng Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Tanggal na sa listahan ng Comelec Kabacan ang may dalawang libung mga botante na hindi nakapag-biometrics.

Ito ang napag-alaman sa Comelec Kabacan matapos ang isinagawa nilang registration and validation na nagtapos noong October 31.

Nabatid na abot sa 1,959 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro at nagpa-validate sa Comelec Kabacan simula ng binuksan ang naturang  registration.

Pahayag naman ni Kabacan Election Officer Ramon Mario Jaranilla na posible pang mabawasan ang nasabing bilang pagkatapos ng gagawing Election Regulatory Board o ERB sa Nobyembre a-16, kungsaan bubusisiin ang lahat ng registration at tanggalin ang walang mga biometrics.

Sinabi ng comelec Kabacan na mas mataas ang bilang ng bontante ngayong taon na umaabot na sa 43 libu kumpara sa dati nilang tala na nasa 40 libu. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento