(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 6,
2015) ---Planu ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao na gawing
online ang registration para sa enrolment sa Pamantasan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni USM Alumni
Association President/OIC Dr. Consuelo Tagaro.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang
reklamo ng mga estudyante ng USM sa mabagal na proseso ng enrolment sa Pamantasan.
Kahapon, may ilang mga estudyante na nagpila
na sa labas ng admin building ala 1:00 pa ng madaling araw.
Reklamo ng maraming estudyante, hindi maayos
ang management ng pila, marami ang sumisingit maliban pa sa mabagal na proseso
ng ilang mga nasa cashier’s office.
Una na ring dinagdagan ang window sa
cashier’s office para ma-cater ang mas maraming estudyante.
Dahil dito, sinabi ni Dr. Tagaro na
palalawigin pa nila ang enrolment hanggang bukas, araw ng Sabado.
Kahapon batay sa data, nasa 11,195 registered
enrolles pero sa bilang na ito nasa pitung libu pa lamang ang officially
enrolled habang nasa mahigit 3 libu pa ang hindi officially enrolled, ayon pa
kay Dr. Tagaro.
Humihingi naman ng paumanhin ang
administrasyon sa problemang ito ng pamantasan sa panahon ng enrolment at
ginagawa naman nila ang paraan para ito ay ma-i-address.
Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ay ang
pag-papaikli ng enrolment process mula sa adviser patungong assessment at lahat
ng ito ay sa College naman ginagawa.
Samantala, sa naging unang panayam ng DXVL
News kay USM vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang, hindi kasi sinusunod ng ilang mga
studyante ang itinalagang schedule ng enrollment na nagsimula pa noong
nakaraang linggo at magdadagsaan sa mga huling nalalabing araw.
Dahilan naman
ng ilang mga studyante kung bakit huli na silang nakapag- enroll ay ang late na
paglabas naman ng kanilang mga grado na kinakailangan sa enrollment process.
Reaksiyon ng
ilan sa mga magulang at mag-aaral dapat gawin na lamang na pero college o
department ang enrolment para maiwasan ang mahabang pila sa cashier’s Office.
Paliwanag
naman ni Dr. Tagaro na hindi bonded ang mga kokolekta ng matrikula sapagkat
official receipt ang ibinibigay na resibo sa mga pagbabayad ng tuition fee ng
mga estudyante.
Dahil dito,
humuhingi ito ng pang-unawa at pasensiya sa mga estudyanteng pumipila na
magtiis-tiis muna hanggang sa mabigyan na ito ng katugunan ang matagal ng
problema ng enrolment process ng USM. Rhoderick
Beñez with reports from Brex Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento