Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga gumagamit ng bora-bora na tambutso sa Kidapawan City, binalaan ng TMU

(Kidapawan City/ November 5, 2015) -Binalaan ng Traffic Management Unit ng Kidapawan ang mga gumagamit ng bora-bora o open pipes mufflers na kukumpiskahin ng TMU ang kanilang motorsiklo.

Ang hakbang ay ginawa ng TMU matapos na pinasagasaan sa pison ang limang daang mga bora-bora na tambutso sa harap ng Kidapawan city hall.

Ito ay bahagi naman sa mas pinaigting na kampanya ng Kidapawan LGU katuwang ang City PNP at Traffic Management Unit o TMU laban sa mga maiingay na motorsiklo.

Ayon kay TMU head Rey Manar resulta ito sa kanilang mga isinisagawang operasyon hindi lamang sa National Highway kundi maging sa mga liblib na area ng lungsod.


Ang mga pinasagasaang bora-bora ay mula sa siyam na buwang operasyon ng mga otoridad na nagkakahalaga ng higit tatlong milyong piso. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento