Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paggunita ng Undas sa bayan ng Kabacan naging pamayapa sa pangkalahatan

(Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2015) ---Naging mapayapa at tahimik sa pangkalahatan ang paggunita ng undas o araw ng mga patay sa bayan ng Kabacan, kahapon.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Aniya, patuloy ang ginawa nilang police visibility sa mga sementeryo sa bayan ng Kabacan.

Kanila ring ipinapatupad ang 95% police deployment sa mga matataong lugar kagaya ng Public market, pampublikong terminal, mga national highway at iba pa.

Bukod dito, sinabi ng opisyal na hanggang ngayong araw ay patuloy ang pagbabantay nila lalo na sa may bahagi ng Bonifacio St.

Maging sa bayan ng Matala naman ay generally peaceful ang pag obserba ang undas.

Ito ang sinabi ng Matalam PNP.


Patuloy din ang kanilang pagbabantay sa ilang mga sementeryo sa bayan pribado man o publiko.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento