(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2015)
---Kinuwestiyon ng ilang mga kumpanya ng langis na nag-ooperate sa bayan ng
Kabacan ang pagsulputan ng bote Takal sa bayan.
Ito ang ipinarating na reklamo ng mga big
oil players sa pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan nabigyan
din ng kopya ang Bureau of Fire Protection Kabacan.
Aminado naman si FSI Ibrahim Guiamalon na walang
business permit at hindi din sila naka-pag-bigay ng fire permit sa mga
nagtitinda ng gasolina sa mga bote takal.
Ayon kasi sa report, mas maraming mga motorista
ang nahihikayat na sa mga bote takal magpagasolina dahil nga sa mas mura ito.
Dahil dito, ipinauubaya naman ni Guiamalon
sa pamunuan ni Mayor Guzman kung anung hakbang ang gagawin dito kasi may
malaking capital din ang kinakalingan para sa bote takal na negosyo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento