APRUBADO na ang release ng halagang P200 thousand mula sa calamity fund ng Kidapawan City LGU bilang tulong pinansiyal sa mga biktima ng bagyong Sendong sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan.
Bago nagsara ang fiscal year 2011 ay pinirmahan ni City Mayor Rodolfo Gantuangco ang Sangguniang Panglungsod o SP Resolution 11-442 na nagbibigay pahintulot sa kanya na gamitin ang naturang halaga mula sa calamity fund.
Una nang lumiham at humingi ng tulong kay Mayor Gantuangco at sa iba pang mga alkalde sa buong bansa si League of Cities in the Philippines president Oscar Rodriguez para sa mga biktima ng baha sa CDO at Iligan.
Kapwa kasapi ng League of Cities ang Iligan at ang CDO. Tatanggap ng tig-i-isang daang libong piso ang CDO at Iligan.
SAMANTALA, tutulak ng Iligan City si Magpet Mayor Efren Pinol para personal na iabot ang cash donation ng LGU sa mga biktima ng baha.
Dala din nila mga canned goods at iba pang relief items bilang tulong sa mga flood victims.
Sasabay din sa relief operations ang ilang mga Media mula sa North Cotabato para ihatid mga food items at used clothing na nalikom nito mula sa mga pribadong indibidwal at grupo.
Kung matatandaan, nag-apruba din ang pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ng P200,000 ilang araw bago sinalanta ng bagyong Sendong ang CDO at Iligan, ang hakbang ay unang ginawa ni Kabacan Mayor George Tan bilang tulong nito sa mga naging biktima ng bagyo sa dalawang lugar kungsaan tig-P100,000.00 ang bawat lungsod.
Ang pondo ayon pa kay Kabacan Mayor George Tan ay kinuha mula sa calamity fund ng bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento