(Datu Montawal, Maguindanao/Janauary 6, 2012) -- NANGUNA si Datu Ohto Montawal, ang municipal mayor ng Datu Montawal, Maguindanao sa relief distribution na isinagawa, kamakalawa, sa may labing-isang barangay na binaha noon pang nakaraang linggo.
Abot sa 3,447 packs ng grocery at iba pang relief items ang naipamahagi ng Montawal LGU sa mahigit 4,000 pamilya na apaektado ng baha.
Tumanggap ng 483 packs ang Barangay Bulit; 435 sa Barangay Pagagawan; 250 packs kapwa sa mga barangay ng Tunggol at Talapas; 322 sa Barangay Limbalod; 250 packs sa Barangay Batungkayo; 257 packs sa Barangay Nabundas; 400 packs kapwa sa mga barangay ng Maridagao at Dungguan; 350 sa Barangay Bulod; at 300 packs sa Barangay Talitay.
Ang halaga na ginamit ng LGU para sa relief distribution ay kinuha nila mula sa calamity fund nila, ayon kay Mayor Montawal.
Sinabi ni Montawal na marami sa mga biktima ng baha ‘di pa nakabalik sa kanilang mga barangay dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang tubig-baha.
At posible na tatagal pa ang baha dahil tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan sa lugar.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento