Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan/North Cotabato December 3, 2012) --- Tatlo katao ang binawian ng buhay, 2 dito hindi na umabot ng bagong taon makaraang masangkot sa magkakahiwalay na aksidente sa daan.
Alas 10:45 noong Huwebes, December 29, 2011—Dead on Arrival sa ospital ang isang Abu Limpangan habang DOS o dead on the spot naman ang isang Abubakar Dagem, 57 kapwa residente ng Datu Montawal, Maguindanao.
Nang maaksidente ang mga ito sa National Highway, Partikular sa Brgy. Kayaga, Kabacan, sakay sa motorsiklo na kanilang minamaneho, ayon sa report ni P02 Jeryl Vegarfia, ang traffic officer ng Kabacan PNP.
December 31--- isang Kawasaki Bajaj na minamaneho ni Joel Guimbangan, BPAT team ang aksidenteng nabundol naman sa isang XRM 125 motorcycle sa National Highway papuntang brgy. Aringay, habang papunta ito sa kanyang duty sa Plang village.
Nakabangga ni ang isang XRM na minamaneho ni Mandy Lacbao ng Bannawag kasama ang angkas nito na nakilalang si Karen Gravidez.
Kapwa sugatan ang dalawa kasama ang angkas ng XRM na mabilis namang isinugod sa USM Hospital.
Samantala, ilang oras pa lamang matapos salubungin ang bagong taon, naaksidente naman ang isang Datumama Tacuken, 24 at residente ng Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.
Naganap ang insedente sa Corner Jacinto St., Poblacion ng bayang ito ala 1:00 ng madaling araw nitong primero uno ng Enero.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical specialist at agad namang inilipat sa Kidapawan city at dinala pa sa Davao city subalit binawian na rin ito ng buhay.
Sa data ng Kabacan Traffic Police mula December 28 ng nakaraang taon hanggang kahapon abot na sa anim na vehicular accident ang naitala ng Kabacan Traffic Police.
Kaya naman paalala ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP na mag-ingat sa pagmamaneho ang mga motorisata lalo pa’t dagsaan ngayon ang mga pasahero sa iba’t-ibang mga terminals sa North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento