Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2011) --- Hindi na umabot ng bagong taon ang dalawa ka tao makaraang masangkot ang sinasakyan nilang motorsiklo sa banggan sa National Highway partikular sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:45 noong Huwebes.
Kinilala ni P02 Jeryl Vegafria ang traffic officer ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Abu Limpangan, 15, estudyante at residente ng Brgy. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao na ideneklarang dead on Arrival sa Hospital habang dead on the spot naman si Abubakar Dagem, 57 at residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na habang binabaybay ng isang multicolor na Suzuki Raider 150 at walang plate number na minamaneho ni Abu Limpangan ang kahabaan ng National Highway mula sa Montawal papunta sa rutang Kabacan kasama ang angkas nitong nakilalang si Kariguia Limpangan, 18, estudyante at residente rin ng Datu Montawal ng aksidenteng magbanggaan sa isang Bajaj Motorcycle kulay asul at may plate number 6805 MP mula din sa magkasalungat na direksoyon na minamaneho ni Abubakar Dagem na residente rin ng natukoy na lugar.
Mabilis namang isinugod ang mga sugatan sa Kabacan Medical Specialist subalit si Abu Limpangan ay ideneklarang dead on arrival.
Samantala, isa ring vehicular accident ang naganap sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon ala 1:00 ng madaling araw kahapon sa National Highway partikular na naganap ang insedente sa Corner Jacinto St., Poblacion ng bayang ito.
Kinilala ang biktima na binawian ng buhay sa Davao Medical Center na si Datumama Tacuken, 24, single at residente ng Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.
Sa report, nagkabanggaan umano ang sinasakyan nitong Kawasaki Barako kulay itim na may plate number 6826 MP sa isang Kawasaki HD III tricycle na minamaneho naman ni Ali Balasana, 19, at residente ng Sunrise St.,.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P02 Vegafria, napag-alaman na ang Kawasaki HD III tricycle ay binabaybay ang kahabaan ng National Highway mula sa USM Avenue papuntang brgy. Kayaga ng humarang diumano ang isang tao sa dinadaanan nito dahilan kung bakit lumihis ito ng direksiyon dahilan kung bakit nakabangga ito sa isang Kawasaki Barako.
Kritikal agad ang driver ng Kawasaki Barako na si Taculen na mabilis namang isinugod sa isang ospital ditto sa bayan ng Kabacan at sa di kalaunan ay isinugod sa Kidapawan ngunit nailipat pa ito sa Davao subalit, sa pinakahuling report ay binawian na ito ng buhay kahapon.
Sa data ng Kabacan Traffic Police mula December 28 ng nakaraang taon hanggang sa mga oras na ito abot na sa anim na vehicular ang accident ang naitala ng Kabacan PNP.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento