Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gift certificate, ibibigay ng LGU Kabacan sa mga maagap na taxpayers na magbabayad ng buwis

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 5, 2012) ---Magbibigay ng gift certificate bilang incentive ng pamahalaang lokal ng Kabacan sa mga taxpayers na maagap na magbabayad ng kanilang buwis mula Enero a-dos hanggang a-biente ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib ang nasabing gift certificate ay matatanggap sa pamamagitan ng dental services sa Rural Health Unit ng Kabacan na magagamit sa buong taon ng mga may-ari ng establisiemento at maging ng kanilang mga trabahante.

Sa Annual payment ng Business license at Real Property Taxes sa Large Scale makukuha ang anim na pirasong Gift Certificate, Medium Scale-apat na piraso habang sa Small Scale naman ay 2 pirasong Gift Certificate.

Sa mga nasa kategoryang Semi Quarterly payment ng Business License sa Large Scale ay matatanggap ang 3 pirasong gift certificate, 2 para sa medium scale at 1 para sa Small scale.

Una dito, inihayag pa ng pamunuan ng LGU na bukas na ang kanilang tanggapan simula nitong Martes para sa mga mag-rerenew at mag-aaply ng business license na mas lalo pang pinadali ngayon gamit ang Business One Stop Shop na proseso para din a mahirapan ang mga businessman ng bayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento