Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng matandang lalaki na natagpuan sa palengke sa Kidapawan City kilala na

KIDAPAWAN CITY (Jan 3/) -- MAY UMANGKIN na sa bangkay ng matandang lalaki na natagpuan noong bisperas ng Bagong Taon sa palengke ng Kidapawan City.
         
Ang bangkay ay nakilalang si Alejandro Magcanan, 55 years old, binata, at taga-Purok Milagrosa, Barangay Matapol sa bayan ng Norallah, South Cotabato.

Ayon kay Aling Damiana Magcanan, bayaw ng biktima, noon pang nakaraang Disyembre naiulat na missing ang kanilang kaanak.    Di rin nila batid kung saan ito nagpunta. Si Mang Alejandro, ayon pa kay Aling Damiana, ay may disability at hirap raw ito magsalita.

Di maintindihan ni Aling Damiana kung paano’ng nakarating sa Kidapawan City ang kanyang bayaw. Nalaman na lamang ni Aling Damiana ang sinapit ng kanyang bayaw sa tulong ni Nurallah Mayor Victor Balayon na agad namang tumugon sa nasabing panawagan.

Si Mayor na ang nagpahanap sa mga kaanak ni Mang Alejandro sa Barangay Matapol. Si Mayor na rin ang aako ng pagpapalibing sa bangkay ng matanda, habang aakuin raw ng city government ang bayarin sa pagpapa-embalsamo at funeral expenses sa Collado Funeral Homes sa Kidapawan City, ayon kay Mega Market administrator Rocaya Patadon.

Laking pasasalamat ni Mayor Balayon na nahanap rin ng mga kaanak niya si Mang Alejandro na matagal ding nawala sa kanilang bayan.
         
SI MANG ALEJANDRO ang matandang maysakit -- na no’ng ihatid ng Civil Security Unit o CSU sa Kidapawan City Hospital ay tinanggihan ng staff dahil lang sa katwiran na wala sila’ng charity ward.
         
Kahit naghihingalo na ang matanda no’ng mga oras na ‘yun, di pa rin tinanggap ng ospital si Mang Alejandro.   Sa halip, inirekomenda nila na dalhin sa isang private hospital ang matanda.

Dahil wala’ng pera ang mga CSU operatives, nagpasya na lamang sila na ibalik sa palengke kung saan nila nakita si Mang Alejandro sa pag-aakalang babalikan ito ng kanyang mga kaanak.                                            

Pero makalipas ang ilang oras, binawian din ng buhay si Mang Alejandro.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento