Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan LGU, planong magtatayo ng bagong Mega Public Market

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 6, 2012) ---Pag-aaralan pa ng pamunuan ng Kabacan LGU ang planong pagpapatayo ng bagong Public Market sa bayan ng Kabacan.

Ito ang inirekomenda sa Sanggunian ng tanggapan ng Municipal Planning and development Office at ni Municipal Treasurer Priscilla QuiƱones sa unang regular na session ng SB kahapon.

Una dito, may nakabinbin kasing panukala sa SB na nag-aatas sa Punong ehekutibo ng bayan na bigyan na authorization ang alkalde na si Mayor George Tan na makapag-utang para pantustus sa nasabing konstruksiyon.

Bagama’t aprubado na ang nasabing panukala, ayon kay Vice Mayor Pol Dulay, matapos napalawig hanggang ala 1:30 ang session kahapon, tiyak pa rin anyang dadaan sa butas ng karayom ang nasabing proseso, ayon sa ilang mga lokal na mambabatas.

Tinatayang aabot kasi ng P120M ang ilalaang budget sa nasabing konstruksiyon. 

Pero, depende pa rin anya ito sa gagawing Feasibility Study sa loob ng palengke at sa gagawing series of consultation sa mga stakeholders, ayon pa kay QuiƱones.

Handa naman umanong makipagtulungan dito ang mga negosyante sa loob ng palengke na pinamumunuan ni Kabacan Vendors Association President Guillermo Salcedo, na naging bisita sa session kahapon.

Pero para naman kay Brgy. Poblacion Kagawad Mike Remulta, isa sa may mga pwesto sa palengke, umaapela ito ng refund sa pwesto nitong ipinatayo sa loob ng palengke ilang taon na ang nakalilipas kung sakaling maaprubahan na ang bagong iatatayong Mega Market ng Kabacan.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento