KIDAPAWAN CITY (January 2, 2011) -- APAT NA MGA sugatan dahil sa mga paputok ang isinugod sa mga ospital sa Kidapawan City noong bisperas ng Bagong Taon.
Sa mga sugatan, tatlo rito mga bata. Ang isa sa mga sugatan kinilalang si Ramon Simon, 55, ng Poblacion.
Pawang sa mga kamay ang sugat na tinamo nila.
SAMANTALA, sa bayan ng Matalam, North Cotabato, isang 11-taong gulang na taga-Poblacion, ang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital o CPH matapos masugatan dahil sa paputok.
Kinilala ang bata sa initial lamang na A.A. na residente ng Poblacion, Matalam.
Ayon sa gwardiya ng CPH, sa kamay ang sugat ng bata matapos pumutok ang sinindihang pla-pla noong bisperas ng Bagong Taon.
Pero sa ngayon, ayon sa CPH, ay nasa recovery room na ang bata.
Maliban kay A.A., wala nang mga nasugatan dahil sa paputok ang isinugod sa pinakamalaking government-owned hospital sa lalawigan.
Malaki ang pasasalamat ng taga-Department of Health sa naging positibong tugon ng mga mamamayan ng North Cotabato sa kanilang panawagan na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa kabuuan wala namang may naitalang grabe sa bayan ng Kabacan dahil sa paputok maliban na lamang sa nasugatan sa daliri ang isang Adrian Patalan dahil sa Piccolo, habang isa namang taga Carmen, North Cotabato na nakilala sa panglang Arnold tubigun ang sugatan din ang ilong matapos masabugan ng Whistle bomb, ilang oras bago ang pagsalubong ng bagong taon
0 comments:
Mag-post ng isang Komento