Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

GRO, pinagbababril sa Carmen, Cotabato; patay

Written by: Rhoderick BeƱez

(Carmen, North Cotabato/January 3, 2012) ---- Dalawang araw matapos ang pagsalubong ng bagong taon, swak agad sa karit ni kamatayan ang isang pinaniniwalaang guest relation officer makaraang pagbabarilin patay alas 6:45 kahapon ng umaga sa compound ng 3 Marias video K House sa Purok 7, bayan ng Carmen, Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni P/Inspector Jordine Maribojo ang biktima na si Bai Ana Bantas Daud, isang GRO at residente ng Kidapawan City.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa tiyan nito na mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan subalit, ideneklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang mga cartridge ng kalibre .45 na pistol na siyang ginamit ng salarin sa pamamaril.

Agad namang ikinasa ng Carmen PNP ang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakadakip ng suspetsado.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang totoong motibo ng nasabing pamamaril.

Sa kasalakuyan ay nasa Carmen Villa Funeral at bangkay na biktima, wala pa rin umanong mga kamang-anak nito ang umaangkin sa bangkay ni Daud.
Kaya panawagan ngayon ng Carmen PNP sa mga kamag-anak ni Bai Ana Bantas Daud na kunin ang bangkay nito sa Carmen Villa Funeral para mabigyan siya ng desenteng libing.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento