Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kapatid ng primary suspect sa pagpatay kay Father Tentorio nananatiling nasa kustodiya ng kongresista sa ikalawang distrito ng North Cotabato

HANGGA’T walang ipinapakitang warrant of arrest ang mga awtoridad, hindi itu-turnover ni Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco si Roberto Ato, kapatid ng itinuturing na primary suspect sa pagpatay kay Father Fausto Tentorio, PIME.
       
Hanggang noong Sabado, wala’ng maipakitang order ang mga pulis ng Cotabato Provincial Police Office at mula sa Region 12 para arestuhin si Roberto.

NOONG BIYERNES, nagtungo si Roberto sa opisina ni Catamco para humingi ng tulong matapos marinig niya sa radyo na subject siya ng manhunt ng National Bureau of Investigation o NBI dahil sa umano pagkakasangkot niya sa krimen ng pagpatay kay Father Tentorio.

Todo-tanggi si Roberto sa alegasyon.   Katwiran niya, no’ng maganap ang pagpatay kay Tentorio nasa isang ospital siya sa Bukidnon para asikasuhin ang anak na maysakit.
        
Si Roberto na isang habal-habal driver ay nakababatang kapatid ni Jimmy Ato, itinuturing na primary suspect sa pagpatay sa pari’ng Italyano.
        
Nasa kustodiya pa rin ng NBI sa kalakhang Maynila si Jimmy.
        
Ayon sa NBI, ikinanta na raw ni Jimmy ang mga taong kumausap sa kanya para gawin ang krimen.  

Itinuro niya ang isang makapangyarihang pulitiko at isang opisyal ng Philippine National Police na umano mga mastermind sa pagpatay.

Pero itinanggi ng NBI na ihayag sa publiko ang pagkakilanlan ng mga ito habang ‘di pa nakukumpleto ang kanilang imbestigasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento