Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SEA- K Associations sa Unang Distrito ng North Cotabato, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/January 4, 2011) --- Kahapon unang Martes ng 2012, ipinamahagi ang capital seed fund checks sa walong Self Employment Assistance o SEA- K Associations sa unang distrito ng North Cotabato.

Personal na dinaluhan ni DSWD XII Regional Director Bai Zorahayda Taha ang nasabing awarding of checks sa mga benepisyaryo sa Congressional District Office, Midsayap, North Cotabato.

Hinikayat ni Director Taha ang mga benepisyaryo na palaguin ang tulong pinansyal upang magkaroon ng pagkakataong pumasa sa level 2 ng SEA- K program.

Kabilang sa mga asosasyong tumanggap ng cheke ay ang mga sumusunod; Narang- ay Ti Amianan, Mannalon iti Abagatan, Dalapuan Irrigators, Bangilan Irrigators, KabRIS 5 Division E, KabRIS 1 Division A, Malu- ao, Pigcawayan Irrigators, at New Panay, Aleosan Drivers Association.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryo si North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa kanyang patuloy na pagbibigay atensyon sa mga magsasaka at iba pang sektor upang sila ay mapabilang sa mga programang isinusulong ng gobyerno.

Sinabi rin ni Cong. Sacdalan na ipagpapatuloy nito ang paghahanap ng mga karagdagang pondo upang madagdagan pa ang bilang ng mga SEA- K beneficiaries sa kanyang distrito. Hinimok din ng opisyal ang mga benepisyaryo na tahakin ang tuwid na landas sa pamamagitan ng pangagalaga at pagpapaunald ng natukoy na government livelihood assistance.

Matatandaang nagkaroon na rin ng awarding of CSF checks sa pitong SEA- K associations noong October 2011.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento