Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa P20,000 na mga ipinagbabawal na paputok, nakumpiska ng Kabacan PNP

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 2, 2011) ---- Abot sa P20,000 ang mga ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng pamunuan ng Kabacan PNP, isang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon alas 3:00 ng hapon noong Disyembre a-31.

Ang kampanya kontra sa ipinagbabawal na firecrackers dito sa bayan ay pinangunhan ni Deputy chief of Police P/Senior Inspector Jubernadin Panes na isinagawa mismo sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kabilang sa mga prohibited na mga illegal firecrackers ang nakumpiska ng mga otoridad  sa Rizal avenue, ng National Highway Poblacion, Kabacan ay ang mga sumusunod: 5 length ng 1 hundred rounds na Judas Belt, 60 rims ng Piccolo, 5 Boxes ng Pop, 5 piraso ng big rocket, 2 rims ng Triangle, 1 set bomber rocket, 2 length of 25 rounds of Judas belt at mahigit sa dalawang daang piraso ng kwitis.

Samantala sa report na nakuha ng DXVL FM, naging mapayapa at tahimik naman sa kabuuan ang pagdiriwang ng bagong taon sa bayan.

Wala naman umanong mga major incidents ang naitala sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon maliban na lamang sa isang naiulat na naputukan ng Piccolo ang daliri na nakilalang si Adrian Patalan, 19 at resident eng Mantawil St., Pobalcion, Kabacan at isang Arnold Tubigun na taga Poblacion, Carmen, North Cotabato na naputukan ng Whistle bomb sa ilong base sa report ng Kabacan Medical specialist alas 11:30 bago ang bagong taon.

Samantala, APAT NA MGA sugatan dahil sa mga paputok ang isinugod sa mga ospital sa Kidapawan City noong bisperas ng Bagong Taon.
Sa mga sugatan, tatlo rito mga bata.   Ang isa sa mga sugatan kinilalang si Ramon Simon, 55, ng Poblacion. Pawang sa mga kamay ang sugat na tinamo nila.
       
SAMANTALA, sa bayan ng Matalam, North Cotabato, isang 11-taong gulang na taga-Poblacion, ang isinugod sa Cotabato Provincial Hospital o CPH matapos masugatan dahil sa paputok. Kinilala ang bata sa initial lamang na A.A. na residente ng Poblacion, Matalam.

Ayon sa gwardiya ng CPH, sa kamay ang sugat ng bata matapos pumutok ang sinindihang pla-pla noong bisperas ng Bagong Taon.

Pero sa ngayon, ayon sa CPH, ay nasa recovery room na ang bata.

Maliban kay A.A., wala nang mga nasugatan dahil sa paputok ang isinugod sa pinakamalaking government-owned hospital sa lalawigan. Malaki ang pasasalamat ng taga-Department of Health sa naging positibong tugon ng mga mamamayan ng North Cotabato sa kanilang panawagan na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento