(M’lang, North Cotabato/ August 21, 2013) ---Pinasalamatan ngayon ng mga residente ng Barangay Lepaga, M’lang, North Cotabato ang isinagawang medical-dental outreach program na isinagawa ng Provincial Government ng North Cotabato noong Agosto a-15.
Abot sa mahigit isang daang mga elementary pupils ang naging benepisyaryo ng nasabing programa bukod pa sa mga high school students sa nasabing barangay kasama ang tatlong daang mga residente na nasa tamang edad ang nabiyayaan ng dental check-up, tuli, medical check-up at nabigyan ng libreng gamot.
Mismong si Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang nanguna sa nasabing aktibidad at nakipag-pulong sa mga opisyal ng barangay bilang pagtitiyak nito na nakakarating ang advocacy program nito na “serbisyong Totoo” sa mga mamamayang nangangailangan, ito ayon sa report ni Cotabato Provincial Government Media Officer Jimmy Santacruz.
Nanguna sa nasabing aktibidad ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) kungsaan dalawang mga doctor ang pumunta sa nasabing barangay buhat sa M’lang District Hospital Chief Dr. Chidita Briones at Fr. Tulio Favali at ni Municipal Hospital Chief Dr. Sabino Marasigan.
Habang sa mga dentist naman sina Dr. Jerry Barredo, Dr. Divinagracia Alimbuya, Dr. Cita Villagonzalo at Dr. Editha Cagugo.
Kaugnay nito, nananawagan ang gobernador ng maayos at mapayapang barangay election sa darating na Oktubre 28.
Naniniwala si Mendoza na sa pamamagitan ng eleksiyon ay makikita ang tunay na demokrasya pero hindi ito mangangahulugang paghatiin ang mga mamamayan.
Dagdag pa nito, na hindi umano mahalaga sa kanya kung ang naturang barangay ay sumuporta sa kanya noong nagdaang eleksiyon o hindi bagkus ang nais nito ay mabigyan ng pantay-pantay na serbisyo ng gobyerno ang lahat ng barangay na nasasakupan ng kanyang pamamahala. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Mga residente ng isang brgy sa bayan ng M’lang, nabigyan ng medical outreach program ng Provincial Government
Huwebes, Agosto 22, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento