(USM,
Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ng
College of Agriculture (CA-USM) sa ika-58 taong pagkakatatag nito ngayong
darating na Agosto 24, 2013.
Batay sa
opisyal na programa na inihanda ng kolehiyo, kabilang sa mga aktibidad na inihanda
sa Agosto a-23 ay ang consultative meeting sa mga Provincial Agriculturist,
Municipal Agricultural Officers, Bureau of Fisheries and Aquatic resources
Officers kasama na rin ang Farmer Leaders ng North Cotabato kungsaan magiging
facilitator dito si Dr. Josephine Migalbin.
Pangungunahan
naman ni CA Dean Dr. Adeflor Garcia ang nasabing programa kungsaan nakasentro
ang aktibidad sa temang “ enhancing Agri-Fisheries Development Thru Academe-LGU
Partnership.
Magiging
panauhing tagapagsalita sa nasabing programa si 3rd District
Representative Jose “Ping-ping” Tejada.
Alas 7:00 ng
umaga sa August 24 gagawin ang Parade susundan ng convocation program, alumni
homecoming at sa hapon ang Techno-display Exhibits.
Suportado naman
ni OIC Pres. Atty. Christopher Cabilen ang nasabing aktibidad. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento